Discover job opportunities around Santolan and get hired quickly through our community-driven platform!
KONEKITA: SANTOLAN LABOR HUB
Ngayong Araw ng mga Manggagawa, buong puso naming inihahandog ang KONEKITA, isang online platform na naglalayong pagtagpuin ang mga skilled workers at ang mga nangangailangan ng kanilang serbisyo — dito lang sa ating mahal na Barangay Santolan!
MALIGAYANG ARAW NG PAGGAWA!
Ngayong araw, buong puso nating kinikilala at pinapupurihan ang di-matatawarang kontribusyon ng bawat manggagawa—mga haligi ng ating bayan na patuloy na bumubuhay at bumubuo sa ating komunidad. Sa init ng araw, sa pagod ng katawan, at sa tahimik na sakripisyo, kayo ang tunay na bayani ng ating lipunan.
Discover job opportunities around Santolan and get hired quickly through our community-driven platform!
Ngayong Summer 2025 — hindi lang tayo sa loob ng court magpapakitang gilas! Pati ang mga kabataang nais magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ay bida rin ngayong bakasyon! Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang mangarap lang - kailangan natin itong sabayan ng aksyon. Kaya't sa tulong ng programang “Kabuhayan para sa Kaunlaran ng Kapwa ko Kabataang Santoleño,” binibigyang oportunidad ang bawat Kabataang Santoleño na matuto, magsimula, at umasenso sa sarili nilang paraan. Narito ang mga mahahalagang petsa na dapat ninyong tandaan: May 1, 2025 | KoneKita: Santolan Labor Hub May 10, 2025 | Money Talks, Media Speaks: Mastering Finances & Media Information May 17, 2025 | Sell Smart, Grow Sustainable: A Modern Approach to Marketing and Resource Management May 31, 2025 | RiseUp Kabataan: Handog Negosyo Pitch-Off Para sa mga nais na makiisa sa KKK+, mangyaring magregister sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/SKSantolanKKK2025 Sama-sama nating isulong ang kabuhayang may malasakit, may layunin, at may direksyon. Dahil kapag umangat ang isa, dapat sabay-sabay tayong aangat. #SKSantolan #ForTheSantoleñoYouth
Ang Pasig City Skills Development Office (PCSDO) ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang mahikayat at matulungan ang mga Pasigueño ng bawat barangay. Ang aming institusyon ay kusang lumalapit sa inyo upang magbigay ng pagsasanay para sa mas maraming oportunidad sa trabaho at kabuhayan. Narito ang aming mga training centers: 1. Pasig City Institute of Science and Technology na may tatlong institusyon: • Pio Alvarez St., Brgy. Bambang, Pasig City • Kaayusan St., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City • 3rd Santalia St., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City 2. Pasig Community Training Center naka opisina sa mga barangay • Brgy. Sumilang • Brgy. Maybunga 3. Mga Computer Literacy Program • Brgy. Bagong Ilog • Brgy. Caniogan • Brgy. Dela Paz • Brgy. Kalawaan • Brgy. Malinao • Brgy. Maybunga • Brgy. Napico, Manggahan • Brgy. San Joaquin • Brgy. San Miguel • Brgy. Sto. Tomas • Brgy. Ugong • ITTC (Caruncho Ave., Pasig Elementary School) 📌 (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga naka-upload na larawan.) 💬 Kung may iba pang katungan, magtanong lang sa aming Facebook Page. Maraming salamat, Pasigueños! #KasanayangPasigueño #PCSDO